Paalala Tungkol sa Eleksyon sa Pilipinas 2025

by Arcelita Imasa, Hawaii Filipinos for Truth, Justice & Democracy

If you are registered to vote in the upcoming Philippine elections, make sure to pre-enroll to do online voting.

Tama ang iyong nabasa, online na ang pagboto para sa eleksyon sa Pilipinas ngayong Mayo para sa ating mga Pilipino dito sa Hawaii.

First time mangyayari ang itong online overseas voting.

Kailan and paano ang pre-enrollment for online voting?
– Ngayon hanggang Mayo 7, 5:59am (Hawaii time)
– Pumunta sa https://ov.comelec.gov.ph/enroll gamit and iyong cellphone o computer.
– Pwede rin pumunta sa Philipine Consulate of Honolulu at gamitin ang special pre-enrollment kiosk para mag-pre-enroll.

Kailan naman pwede bumoto?
Bumuto mula Abril 13 hanggang Mayo 12! Pumunta sa website na ito para bumoto: https://ov.comelec.gov.ph/vote.

Para sa mga katanungan
– Mag-email sa honolulupcg.overseasvoting@gmail.com
– Maari din tumawag sa (808) 253-9446
– O kaya bumisita sa Philippine Consulate of Honolulu, 2433 Pali Highway, Honolulu.

Bakit dapat bumoto? Why vote?
Mababa ang voter turnout o bilang ng mga bumoto noong 2022. Sa Hawaii, 34% ang voter turnout (2,890 out of 8,444 registered voters cast their ballots). Maraming factors noon kasama na dito ang COVID-19 pandemic.

Pero ngayong 2025, intention o hangarin ng pag-convert sa online voting ang mapataas ang voter turnout.

We encourage everyone registered to vote to exercise their right to vote.

Mahalaga ang iyong boto! Napateg ti botos tayo! Your vote matters!

Ang pagboto ang isa sa mga paraan para maipagpatuloy ang koneksyon natin sa Bayang Mahal.

Ito rin ay isang paraan para maipakita natin na ayaw natin ng korapsyon at mga pulitikong ginagawang negosyo ang kanilang pwesto sa gubyerno!

Paraan ito para masabi natin na gusto natin ng trabaho at tamang pasahod, edukasyon, pabahay, lupang masasaka, at marami pang karapatan, at labanan ang kahirapan.

Kaya tara at mag-pre-enroll na para sa darating na Online Voting sa Eleksyon sa Bayang Mahal 2025! 

About Author

You May Also Like

More From Author

+ There are no comments

Add yours

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.